The Kinked

kinkheader

Oo.

Isa ako noon sa mga tagasubaybay ng pambungad na programa sa dos (taong ‘97). Isa ako noon sa mga gumigising ng alas kwatro ng umaga para tunghayan ang isang palabas nila na bibigyan ka ng pagkakataong makakita ng iba’t ibang kulay na magkakahanay na pahalang, may musikang iisang mahabang nota ang kasabay na pinapatunog at may nakasulat sa iskrin:

ABS-CBN CHANNEL 2.

Makailang saglit bago mag-alas sinko, may magsasalita ng ganito:

Ladies and gentlemen, in a few seconds we will be on a simultaneous nationwide satellite broadcast.
Please stand-by.

Tapos ipapakilala ang mga taong ‘di ko kilala kasunod ang mga letra at numerong ‘di ko alam kung para sa’n gaya nito:

Engr. Juan Dela Cruz, ECE-123456789

at susundan nito:

This is ABS-CBN Broadcasting Company now signing on.

Tapos maglu-Lupang Hinirang, e ‘di syempre tatayo at ilalagay ko ang aking kanang kamay sa kaliwang dibdib; turo ‘yon sa’min ng titser ko at ginagawa din namin sa paaralan tuwing umaga bago magklase.

Tapos n’on, pinapatay ko na ang TV. Balita sa umaga na kasi ang kasunod noon, eh halos lahat naman ng ibinabalita doon napanuod ko na nung gabi pa.

Noong ipakilala si Juan dela Cruz ang parteng hinding hindi ko makakalimutan. Dahil dito, nagkaroon ako ng ideya kung ano ang kukunin pagkatapos ko ng haiskul. BS ECE ang natripan kong kurso dahil daig pa nito ang mga artista. Sila iyong mga taong ang pangalan ang pinakaunang nabobroadcast sa TV.

***

Pero ngayong nasa ika-limang na taon na ako ng pagpapakadalubhasa, ngayon ko nalaman na hindi pala kailangang mabuhay ng tao sa kumbensyunal na pamumuhay na nakasanayan ng lipunan. Yung buhay na pagkatapos ng elementarya at haiskul, kukuha ng propesyon na ikakabit sa pangalan, magtatrabaho, kikita ng malaki, magkakapamilya, tatanda, mamamatay.

Pwede kang tumira sa iskwater, maging salat sa pamumuhay, mangalakal, kumain ng sardinas, magulam ng toyo at asin sa tutong nakanin, maginom, magyosi, matulog, maging batugan, magnakaw, pumatay, mamatay.

Pwede ding yumaman. Walang kwenta ang buhay nila, ‘di ko na iisa-isahin pa.

Madaming posibilidad sa mundo ang naghihintay para buksan ito sa isip ng tao. Hawak natin ang manibela upang tahakin ang kung anumang landas na gugustuhin ng ating mga sarili.

 

click

Advertisements
  • Trackback are closed
  • Comments (2)
  1. ‘dre, mas good ‘tong kolum mo sa tabloid natin. natural na natural kasi. pexman! fist bump!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s